HABAGAT ATTACK, FLOODS CONTINUE IN THE PHILIPPINES

The enhanced Habagat (Southwest Monsoon) continues to bring torrential rain across western Luzon, leading to widespread flooding, rising rivers, evacuations, and even bridge collapses in parts of Central Luzon. The Marikina River has reached flood stage, and red rainfall warnings remain in effect for several areas.

The good news is that conditions should begin to improve slightly by Tuesday into Wednesday, as winds temporarily shift and rainfall becomes less widespread. However, this is only expected to be a brief break.

We’re already monitoring additional low pressure areas east of the Philippines, and while they may not become strong tropical cyclones, they are expected to strengthen the southwest monsoon once again later next week. That means another surge of moisture could bring renewed heavy rainfall to western Luzon by Thursday and into next weekend.

The heaviest rain will gradually shift away from Metro Manila, but flood concerns will continue across Zambales, Bataan, Pangasinan, La Union, Benguet, Baguio, and surrounding areas, where another 200–500 mm of rainfall is possible in localized areas. Saturated ground means even moderate rainfall can quickly trigger flooding and landslides.

Meanwhile, much of the Visayas and Mindanao remains relatively dry, highlighting how concentrated this enhanced monsoon pattern has become across northwestern Luzon.

If you live in a flood-prone area, continue monitoring official warnings, avoid flooded roads, and never attempt to cross moving water.

Stay safe, everyone.


Tagalog

Patuloy ang matinding pagbaha sa Metro Manila at Gitnang Luzon.

Patuloy na nagpapalakas ang Habagat ng malalakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon, na nagdudulot ng malawakang pagbaha, pagtaas ng lebel ng mga ilog, paglikas ng mga residente, at maging pagguho ng ilang tulay sa Gitnang Luzon. Umabot na sa flood stage ang Marikina River, habang nananatiling nakataas ang Red Rainfall Warnings sa ilang lugar.

May kaunting magandang balita. Inaasahang bahagyang hihina ang ulan pagsapit ng Martes hanggang Miyerkules habang pansamantalang nagbabago ang direksyon ng hangin. Ngunit inaasahan lamang itong panandaliang paghupa.

Patuloy ring binabantayan ang mga low pressure area sa silangan ng Pilipinas. Kahit hindi sila maging malalakas na bagyo, maaari pa rin nilang muling palakasin ang Habagat sa huling bahagi ng linggo, na magdadala ng panibagong bugso ng ulan sa kanlurang Luzon.

Unti-unting bababa ang pinakamalalakas na ulan sa Metro Manila, ngunit nananatiling mataas ang banta ng pagbaha sa Zambales, Bataan, Pangasinan, La Union, Benguet, Baguio, at mga kalapit na lugar, kung saan maaari pang makaranas ng 200–500 mm ng ulan sa ilang lugar. Dahil basa na ang lupa, kahit hindi gaanong malakas na ulan ay maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, nananatiling medyo tuyo ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao, na nagpapakita kung gaano nakatuon ang epekto ng Habagat sa hilagang-kanlurang Luzon.

Kung nakatira ka sa mga lugar na madaling bahain, manatiling alerto, sundin ang mga abiso ng mga lokal na awtoridad, at huwag tumawid sa baha o rumaragasang tubig.

Mag-ingat po tayong lahat.

Scroll to Top